PatrolPH

Armored vehicle at truck, nagbangaan sa Nagtahan bridge

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2021 06:51 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Nabangga ng isang armored vehicle ng Presidential Security Group ang isang closed van truck sa Nagtahan Bridge sa lungsod na ito Lunes ng gabi.

Ayon sa driver ng truck, magde-deliver na dapat sila ng plastic sa Valenzuela at dumaan sa Nagtahan na kilala rin bilang Mabini Bridge. 

Nakapila sila sa truck lane. Mahaba aniya ang pila kaya nakahinto ang mga truck. Nagulat na lang siya at biglang may bumangga sa likuran niya.

Isang armored vehicle ang bumangga sa likod ng truck. 

Ayon sa driver ng truck, bigla niyang kinabig pakaliwa ang kaniyang sasakyan para hindi mabangga ang truck sa harapan. Kaya sa pagkabig, nabangga pa siya ng tangke sa gilid na nagresulta sa pagkasira at pagkabutas ng likuran ng closed van. 

Hindi na nagbigay ng pahayag ang driver ng tangke. Napag-alaman na ito ay sa Presidential Security Group. Wala naman nasaktan sa pangyayari. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.