PatrolPH

Angeles City, magbibigay ng P200,000 cash incentive kay Hidilyn Diaz

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2021 11:36 PM

Angeles City, magbibigay ng P200,000 cash incentive kay Hidilyn Diaz 1
Larawan mula sa Angeles City Information Office

Makakatanggap ng P200,000 cash incentive mula sa siyudad ng Angeles ang kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz. 

Ito ang ipinangako ng siyudad sa atleta na kasalukuyang may tirahan sa Barangay Margot Angeles city.

Ikinatuwa din ng kanyang mga naging kasamahan sa isang crossfit gym kung saan din siya nag-eensayo ang kaniyang pagkapanalo.

Nauna nang nag-anunsiyo ang iba't ibang kumpanya ng kanilang mga ibibigay na incentive kay Diaz, bukod pa sa makukuha niyang P10 milyon mula sa gobyerno.

- Ulat ni Trisha Mostoles

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.