PatrolPH

3 nailigtas matapos lumubog ang isang bangka sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2021 08:19 PM

3 nailigtas matapos lumubog ang isang bangka sa Leyte 1
Coast Guard Bato sub-station

BATO - Tatlo ang nasagip ng mga awtoridad nitong Martes matapos lumubog ang isang bangka sa Barangay Iniguihan sa Bato, Leyte dahil sa masamang panahon. 

Ligtas ang lahat ng sakay matapos matulungan ng Philippine Coast Guard at iba pang rescuers.

Ayon sa impormasyon mula sa pulisya ng Bato, alas-9:30 ng umaga nang lumubog ang bangka, at 60 metro lamang ang layo nito mula sa pantalan ng bayan. 

Paliwanag ng Coast Guard Bato sub-station, ang malalaking alon ng dagat bunsod ng habagat ang dahilan sa paglubog ng bangka. 

Ang pumpboat ay papunta sana sa isla ng Dawahon sa nasabing bayan at magde-deliver ng mga produkto, ayon sa report ng Philippine National Police. 

May karga umanong mga semento, softdrinks, at iba pa ang pumpboat.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

 PANOORIN

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.