ABS-CBN inalok ang transmission network para sa educational programs ng gobyerno

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2020 09:23 PM | Updated as of Jul 28 2020 06:45 AM

MAYNILA — Hindi bibitiw ang ABS-CBN sa pangako nito na patuloy na maglingkod sa mga Pilipino sa anumang paraang kaya nito.

Bilang tugon sa programang pang-edukasyon ng pamahalaan sa panahon ng pandemya, inaalok ng kompanya ang paggamit ng kanilang transmission network para sa pagpapalabas ng educational programs sa buong bansa. 

Nais tulungan ng Kapamilya network ang gobyerno sa pagpapa-aral ng mga estudyante sa buong bansa sa kabila ng mga limitasyong dulot ng pandemya.

Narito ang ilang bahagi ng pahayag ng ABS-CBN:

Bukod sa aming transmission network, inaalok din namin ang lahat ng educational programs na ginawa namin sa nakaraang 20 taon.
 
Bagama’t wala itong inaasahang epekto sa aming negosyo, ang tanging hangarin ng ABS-CBN ay makatulong sa pag-aaral ng ating mga estudyante sa buong bansa. 

Noong Hulyo 10 ay pinatay ng nasa 70 mambabatas ang prangkisa ng network, dahilan para magtanggal ng libo-libong trabahador ang network. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.