Higit P1-M halaga ng shabu nasamsam ng PDEA sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2019 09:13 PM

MAYNILA—Arestado sa buy-bust operation sa Pasay City Biyernes ang isang babae matapos itong makuhanan umano ng nasa P1.3 milyong halaga ng shabu. 
 
Kinilala ang suspek na si alyas Jen, na target ng operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 

Ayon sa PDEA, sa tapat ng isang mall nakipag-transaksiyon ang poseur buyer sa suspek.

Nasa 200 gramo ng shabu umano ang nakuha sa suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Jen. — Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.