2 preso sa Quezon City jail pumuga matapos ang earthquake drill

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2019 12:13 PM

Pinaghahanap ng Bureau of Jail Management and Penology ang dalawang presong nakatakas sa Quezon City Jail matapos ang isinagawang earthquake drill sa Metro Manila. 

Kinilala ni BJMP Spokesperson Chief Insp. Xavier Solda ang mga presong sina Mamerto Valenzuela na nahaharap sa kasong rape at Dennis Valdez na sangkot sa kasong droga. 

Ayon kay Solda, nakatakas ang mga detainee pagkatapos ng earthquake drill. 

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng dumaan sa drainage ng city jail ang mga preso. 

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.