SAPUL SA VIDEO: Magkatrabaho, nagsuntukan sa Davao dahil sa 30 piso

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2018 05:00 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Video mula kay Neza Matimatico Mabuting

DAVAO CITY - Nakuhanan ng video ang 2 lalaki na nagsuntukan sa Quimpo Boulevard, Davao City Huwebes ng umaga.

Ang dahilan sa kanilang away ay hatian sa kita sa pagste-stencil sa isang emission center.

Sinubukan pang pigilan ang 2 lalaki pero hindi ito nagpaawat. 

Napagbati ang 2 nang dumating ang isang pulis pero nagsuntukan ulit sila.

"Nagsuntukan sila ng 2 beses. Una sa umaga at nasundan ulit nung hapon nang magkita sila ulit," kuwento ni Alvin Moceda.

Ayon kay Jomar Bintayao na nagtatrabaho rin sa emission center, nagalit umano ang isa sa mga lalaki dahil maliit ang ibinigay sa kaniya.

"Ang ibinigay na bayad ay P30, pero ang ibinigay lamang sa kaniya ay P5 kaya sila nagkainitan," aniya. - ulat ni Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.