Palasyo bumuo ng grupo para sa federalism information campaign

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2018 12:47 PM

MANILA - Bumuo ang pamahalaan ng isang intergovernmental task force upang magpalaganap ng impormasyon tungkol sa pederalismo, sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, Biyernes.

Binuo ang grupo matapos lumabas sa isang survey na karamihan sa mga Pilipino ay hindi alam kung ano ang pederalismo, sabi ni Roque.

Sampung milyong piso mula sa P40 milyon na budget ng grupo ang mapupunta sa Presidential Communications Operations Office o PCOO para sa produksyon ng mga materyales na gagamitin at ipapamigay sa publiko, dagdag ni Roque.

"Pinagaaralan rin kung maaaring gamitin ang savings ng Consultative Commission na P50 million," ani Roque.

Isa si Roque sa mga miyembro ng naturang komite.