'Tulak' patay sa engkuwentro sa Makati

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2018 02:37 AM | Updated as of Dec 13 2018 08:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Dead on the spot ang isa umanong tulak ng ilegal na droga matapos maka-engkwentro ng pulisya sa Makati City nitong Miyerkoles ng gabi.

Nakilala lamang ang suspek sa alyas na "Bagyo."

Ayon kay Chief Insp. Ferdinand Mendoza, hepe ng regional drug enforcement unit ng NCR Police, magsisilbi sana sila ng search warrant laban sa suspek.

Ngunit imbis na sumuko, pinaputukan umano nito ng baril ang pulisya dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad na siyang agad na ikinamatay ng suspek.

Bukod sa pagtutulak ng droga, miyembro rin umano si alyas Bagyo ng isang gunrunning syndicate na nago-operate sa Makati, Maynila, at Cavite.

Patuloy ang imbestigasyon sa crime scene.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.