Photo courtesy of Irene Gutang
MISAMIS ORIENTAL - Pinag-uusapan ngayon sa social media ang larawan ng ka-look-alike ni Presidente Rodrigo Duterte na mula sa bayan ng Manticao sa Misamis Oriental.
Revenue collection officer III ng Manticao Municipal Treasurer's Office ang kalook-alike ng Pangulong Duterte na si Cresencio Estremus, 53 taong gulang.
Pero mas kilala siya sa palayaw na "Inday."
Tumanggi muna siyang magpa-interview dahil nangangamba umano siya sa kanyang seguridad.
Narinig kasi niya sa mga balita na may nagtatangka sa buhay ni Pangulong Digong dahil sa mas pina-igting na kampanya nito kontra iligal na droga.
Photo from the Facebook page of Gionesa Dospueblos Ugmad
Hindi lang kasi sa itsura kahawig ni Estremus ang pangulo, kundi maging sa kilos at buhok.
Nitong mga nakaraang araw, nagdesisyon siyang magpagupit para mabago ang kanyang itsura at hindi mapagkamalang si Pangulong Digong.
Noong nakaraang taon, na-interview ng ABS-CBN si Inday tungkol sa nangyaring nakawan sa Treasurer's Office.
Sabi ng katrabaho ni Inday, hawig na hawig talaga niya ang pangulo kahit saang anggulo tingnan.
Natuwa naman kay Inday si Mayor Antonio Baculio at sinabing kahawig nga nito ang pangulo, nagka-deperensya nga lang sila sa agwat ng edad.
Pinayuhan ni mayor si Inday na huwag katakutan ang pagiging hawig sa pangulo, kundi gamitin itong asset na pwedeng maging double nito.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Rodrigo Duterte, look alike, Misamis Oriental, tagalog news, instant articles, Cresencio Estremus