PatrolPH

Lalaki timbog nang makuhanan ng droga sa Mactan airport: PDEA

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2022 02:41 PM

Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas.
Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas.

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Mactan-Cebu International Airport, sabi ngayong Martes ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Visayas.

Ayon sa PDEA, bibiyahe sanang pa-Leyte ang 27 anyos na suspek, na walang trabaho.

Nasita umano ang pasahero ng mga tauhan ng Office of Transportation Security matapos tumunog ang metal detector sa final security check.

Nakuha umano sa lalaki ang isang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

— Ulat ni Annie Perez

 MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.