PatrolPH

State of calamity idineklara sa ilang bayan sa Or. Mindoro dahil sa baha

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2021 05:00 PM | Updated as of Jul 26 2021 09:01 PM

State of calamity idineklara sa ilang bayan sa Or. Mindoro dahil sa baha 1
Nakararanas ng malawakang pagbaha ang ilang lugar sa Oriental Mindoro, bagay na nagtulak sa ilang bayan na magdeklara ng state of calamity. Dennis Datu, ABS-CBN News

MAYNILA - Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng Naujan at Calapan City sa Oriental Mindoro dahil sa pinsala ng pagbaha nitong mga nagdaang araw.

Ito ay para magamit na sa relief operations at rehabilitasyon ang calamity funds. 

Ang mga lugar ay ilan sa mga pinakamatinding tinamaan ng pag-ulang dala ng habagat, na pinaigting ng Bagyong Fabian at nanalasa sa Luzon nang ilang araw. 

Watch more News on iWantTFC

Umaapela na si Naujan Mayor Mark Marcos ng tulong sa national government para masolusyonan ang pagbaha. 

"Kinakailangan masolusyonan Ito sa pamamagitan ng flood control mitigation projects o kung hindi man ay talagang ma-desilt na 'tong mga major river system dito sa Oriental Mindoro partkular sa bayan ng Naujan dahil ang mga ilog natin ay buntis na, napakarami ng mga lupa at buhangin," ani Marcos. 

Aabot sa 29 barangay ang apektado ng pagbaha sa Naujan, na itinuturo ng mga residente sa nasirang dike sa Bagtu River na dahilan ng pagbaha. 

Sa Naujan, nasa P130 million na ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura. 

Kung magpapatuloy ang pagganda ng panahon sa Oriental Mindoro ay inaasahang magtutuloy-tuloy na ang paghupa ng baha. 

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.