PatrolPH

2 patay matapos mabangga ng rescue vehicle sa Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2021 06:13 PM | Updated as of Jul 27 2021 01:32 PM

Patay ang dalawang staff ng isang isolation facility sa Juban, Sorsogon matapos silang masagasaan ng MDRRMO Transport Rescue Vehicle, Linggo ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na si Nestor Habla at Celbert Grajo, parehong 23-anyos at taga-Juban. 

Base sa imbestigasyon ng pulisya, sumakay ang isang driver sa nakaparadang sasakyan malapit sa gate ng pasilidad nang bigla umano itong umarangkada pagbaba ng handbreak nito.

Sumalpok ito sa mga biktima na nag-aayos rin ng kanilang motorsiklo sa parking area nang mga oras na iyon. 

Agad na isinugod ang mga biktima sa pagamutan pero idineklara silang dead-on-arrival. 

Nagtamo din ng minor injury ang isa pang staff member.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng ambulansiya.

— Ulat ni Mitch Villanueva

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.