STA. ANA, Pampanga - Arestado ang isang 22 anyos na lalaking kagawad ng Sangguniang Kabataan matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa isang checkpoint sa Barangay San Pedro sa bayan ng Sta. Ana sa Pampanga Biyernes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Ryan Christian Macapagal. Nauna siyang sinita sa checkpoint dahil sa hindi pagsusuot ng face mask. Pero habang tinatanong, tinangka pa umano nitong takasan ang awtoridad at habang umiilag ay nahulog ang pakete ng sigarilyo na may lamang 3 sachet ng hinihinalang shabu.
Agad itong inaresto at napag-alamang isa siyang SK kagawad sa bayan ng Arayat.
Bukod sa paglabag sa Provincial Ordinance No. 756 in relation to Republic Act 1133, kakasuhan rin si Macapagal ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Pampanga, Sta. Ana, checkpoint, Provincial Ordinance No. 756, Comprehensive Dangerous Drugs Act, Tagalog news