Pulis iniimbestigahan sa umano'y 'brutality' sa paghuli ng traffic violator sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2020 01:44 PM | Updated as of Jul 26 2020 10:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Video mula kay Cherry Mae Sagoso-Utom

(UPDATE) Sinibak sa puwesto at iniimbestigahan ang isang pulis sa Zamboanga City dahil sa umano'y 'brutality' sa paghuli ng isang traffic violator noon Huwebes.

Nag-viral sa social media ang video tampok ang pulis na kinilalang si Maj. Jivertson Pelovello na nakitang nakapatong sa isang lalaki, at inapakan pa ang tiyan nito sa isang kalsada.

Sa pahayag, sinabi ng Zamboanga Peninsula Regional Police Office na si Pelovello ay ang Station Chief ng Zamboanga City Police Station 7.

Ayon kay Regional Director Brig. Gen. Jesus Cambay Jr., isinailalim na sa "administrative relief" simula noong Biyernes si Pelovello para bigyang daan ang isang imbestigasyon sa insidente.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Pelovello.

-- Ulat ni Jewel Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.