Isasailalim sa lockdown ang ilang lugar sa Antipolo City simula Lunes, Hulyo 27, dahil sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Antipolo Mayor Andeng Ynares, ila-lockdown nang isang linggo ang mga sumusunod na lugar:
- Sitio Upper Ruhat 3A, Brgy. Mambugan
- 1st Street ng Sitio Oreta, Brgy. San Isidro
- Sitio Kamandag 3 sa Brgys. boundary ng Bagong Nayon at Mayamot
- Zapanta Compound sa Brgy. San Roque
- Bahagi ng Sitio Tubigan, Brgy. Dalig
- Matalino Street
- Plaza Dilao
- Maganda Street
- Masikap Street
- Mahinhin Street
Sa ilalim ng lockdown, ipagbabawal ang paglabas ng mga residente maliban sa frontliners, may medical emergencies, at persons authorized outside of residences tulad ng mga nagta-trabaho.
Tanging isang miyembro ng pamilya lamang ang puwedeng lumabas ng bahay para mamalengke o bumil ng essential goods.
Magbibigay din umano ang pamahalaang lungsod ng food packs 2 beses sa loob ng isang linggo.
Bibigyang daan din ng lockdown ang pagsasagawa ng COVID-19 test para sa ma residente, lalo iyong mga may sintomas at pasok sa vulnerable groups tulad ng mga senior citizen, buntis, at may ibang sakit.
Mayroon 215 active COVID-19 cases sa Antipolo, ayon sa huling tala ng city government.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, Antipolo, lockdown, localized lockdown, COVID-19, COVID-19 pandemic, coronavirus Philippines update