Babae patay sa pamamaril ng motorcycle rider sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2020 02:40 PM

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Tondo, Maynila nitong umaga ng Linggo.

Pasado alas-10 ng umaga nang mangyari ang insidente sa mataong lugar sa Dagupan Extension, Barangay 155, ayon kay Lt. Col. Harry Lorenzo ng Manila police.

Isang nakamotorsiklong salarin umano ang responsable sa pamamaril.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. -- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.