TINGNAN: Sports car nagliyab sa NLEX

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 12:55 PM

Nasunog ang isang sports car sa northbound lane ng NLEX Candaba Viaduct nitong Biyernes. Kuha ni Juanito Sipin Jr.

MAYNILA - Nagliyab ang isang sports car sa northbound lane ng North Luzon Expressway sa bahagi ng Candaba Viaduct, Pampanga nitong Biyernes.

Ayon sa NLEX Traffic Control Room, tumigil ang kotse sa outermost lane at saka bumaba ang driver bago tuluyang nasunog ang sasakyan kaya walang nasaktan sa insidente.

Habang inaapula ang apoy, isinara ang 2 lane kaya nagdulot ito ng mabagal na daloy ng trapiko.

Matapos ganap na maapula ang apoy, hindi agad nahatak ang sasakyan kaya may isang lane na hindi nadaanan sa Candaba Viaduct.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.