Sunog sumiklab sa pabrika ng papel sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 07:45 AM | Updated as of Jul 26 2019 08:56 PM

Lyza Aquino, ABS-CBN Ne

MAYNILA—Sumiklab ang sunog sa isang pabrika ng papel sa Barangay Maysan, Valenzuela City Biyernes ng madaling-araw.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy alas-5 ng madaling-araw at itinaas ang insidente sa ika-4 na alarma.

Kuwento ng ilang empleyado, may narinig silang pumutok sa loob ng pabrika bago kumalat ang apoy.

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng napinsala rito.

—Ulat nina Lyza Aquino at Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.