Rider, patay matapos pumailalim sa rotor mill

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 10:47 AM

Pumailalim sa rotor mill ang motorcycle rider matapos na maaksidente sa Cainta, Rizal.

Dead on the spot ang isang motorcycle rider matapos pumailalim sa isang rotor mill o pangbakbak ng aspalto sa Felix Avenue sa Cainta, Rizal, Biyernes ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lasing ang rider at mabilis ang pagpapatakbo nito kung kaya hindi siya agad nakapagpreno nang makita ang nakaparadang rotor mill.

Sa bilis ng takbo nito, pumailalim ang motorsiklo sa rotor mill. Wasak ang motorsiklo at bali ang ilang bahagi ng katawan ng rider dahil wala itong suot na helmet at ibang safety gear.

Wala pang pagkakakilanlan ang biktima dahil wala itong dalang lisensya maliban sa motorsiklo nito na may plate number na WY 7762.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.