Pamilya pinagbabaril sa loob ng bahay sa Negros Oriental; 2 patay, 2 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 04:09 AM

NEGROS ORIENTAL—Patay ang 2 miyembro ng pamilya habang sugatan rin ang 2 iba pa matapos silang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Santa Catalina, Negros Oriental Huwebes ng gabi.

Namatay ang amang si Marlon Ocampo at isang anak habang sugatan naman ang kaniyang maybahay at isa pang anak.

Base sa inisyal na impormasyon mula sa Negros Oriental Police Provincial Office, pinasok ng mga hindi pa kilalang salarin ang bahay ng pamilyang Ocampo sa Barangay San Jose alas-8 ng gabi.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen.—Ulat ni Mark Salanga, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.