Konduktor sinaksak ng pasahero dahil sa masamang tingin

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 07:46 AM

MAYNILA—Sugatan ang isang konduktor matapos siyang saksakin ng nakaalitang pasahero sa Quezon City Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan si Benjie Romano at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Ayon kay Police Master Sgt. Celestine Bilan ng Kamuning Police Station, hindi umano nagustuhan ng konduktor ang tingin ng suspek habang binabalik nito ang sukli.

Nagkabangayan ang dalawa at kalaunan ay bumunot ng balisong ang pasahero at pinagsasaksak si Romano.

Nahuli naman kaagad ang suspek dahil may nakasakay na pulis. Sasampahan ng kasong frustrated homicide ang suspek.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.