Ilang barangay sa Santa Maria, Bulacan binaha

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 03:28 AM | Updated as of Jul 26 2019 07:51 PM

Kuha ni Jemalyn Gatmaitan

ULACAN—Binaha ang ilang barangay sa Santa Maria, Bulacan bunsod ng malakas na ulan Huwebes ng gabi.

Ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Managment Office (PDRRMO), nakatanggap sila ng ulat ng pagbaha sa Barangay Poblacion, Guyong, Santa Cruz, Santa Clara at Caysio.

Unti-unti nang humuhupa ang baha pero patuloy pa rin ang pag-iikot ng mga responder dahil may ilan pang lugar na may gutter-high na pagbaha. 

Ayon sa PDRRMO, nakaranas ng malakas na pag-ulan ang bayan ng Santa Maria alas-11 ng gabi.

Kuwento ng ilang netizen sa social media, umabot hanggang leeg ng tao ang lalim ng baha sa ilang mababang lugar sa Santa Maria.

Sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring tawagan ang PDRRMO sa numerong 791-0566.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.