Dating 'asset' ng pulis, tiklo sa Davao City buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 05:59 AM

DAVAO CITY—Arestado ang isang dating "asset" ng mga pulis sa buy-bust operation sa Barangay Riverside, Calinan District, Davao City Huwebes ng hapon.

Nakumpiska sa 39 anyos na suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P1,000.

Ayon kay Police Maj. Arquiomedes Wesley ng Calinan, nakatulong sa kanilang mga operasyon ang suspek pero pumasok umano ito sa ilegal na gawain.

"Nagamit namin iyan siya sa naunang operations kaso nagsarili man siya," aniya.

Kasama umano sa drugs watchlist ang suspek na nagtatrabaho rin bilang pintor.

Itinanggi naman ng suspek na nagbebenta siya ng droga.

"Hindi totoo na binuybust ako," aniya.—Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.