5 sangkot sa investment scam, timbog sa Bukidnon

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 12:04 PM

Limang tao na umano'y sangkot sa isang investment scam sa Bukidnon ang inaresto ng mga pulis, Biyernes.

Sinalakay ng mga awtoridad ang mga tanggapan ng JA Mining Ventures sa Malaybalay City, Valencia City, at Maramag.

Nakumpiska ang iba't ibang mga dokumento tulad investment forms, resibong naglalaman ng pangalan ng mga investor, at iba pa.

Nakuha rin mula sa mga opisina ang P600,000 cash at mga office equipment.

Modus ng nasabing kumpanya na manghikayat ng mga investor sa pangakong tutubo nang malaki ang kanilang pera, sabi ng mga pulis.

Makakasuhan ang mga empleyado ng paglabag sa Securities and Regulations Code.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.