5 patay nang mahulog ang trak sa bangin sa Negros Oriental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 07:19 PM

Nahulog ang isang trak na may lulan na 6 katao at halos 100 baboy sa isang bangin sa Negros Oriental, Biyernes. Kuha ni Raffy Cabristante

Lima ang patay at 1 ang sugatan matapos mahulog ang sinasakyang trak na may kargang halos 100 baboy sa isang bangin sa bayan ng Zamboanguita, Negros Oriental nitong Biyernes ng tanghali.

Nahirapan umano ang mga rescuer sa pagkuha sa mga biktima dahil nadaganan sila ng trak na nahulog sa bangin na may lalim na 40 metro.

Ang driver ng trak ang nag-iisang nakaligtas sa insidente at kasalukuyang ginagamot sa ospital.


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.