4 sugatan sa salpukan ng bus, truck sa Quezon

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2019 12:46 PM

Apat ang sugatan sa banggaan ng pampasaherong bus at truck na may lulan na mga sisiw sa Maharlika Highway, Calauag, Quezon province nitong Huwebes ng gabi.

Inagaw ng bus ang linya ng kasalubong na truck kaya nagkabangaan, ayon kay Police Major Edmond Capistrano, hepe ng Calauag Police.

Arestado si Jeremiah Garinga, driver ng bus, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damaged to property.

Kabilang sa nasugatan ang driver ng truck na si Clyde Cruz, helper na si Elmer Diaz, at mga pasahero na sina Susie Dakis at Susan Monte.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.