Sunog, sumiklab sa pansamantalang tirahan ng mga apektado ng Zamboanga siege

Jewel Reyes, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 09:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

ZAMBOANGA CITY—Sumiklab ang sunog sa Barangay Kasanyangan sa lungsod na ito Huwebes ng hapon.

Kabilang sa mga nasunog ang mga single detached temporary shelters na tinitirahan ng mga biktima ng Zamboanga siege noong 2013.

Sa paunang ulat, aabot sa 40 hanggang 50 kabahayan ang nasunog.

Idineklara nang fire out ang sunog, bagama't inamin ng Bureau of Fire Protection na nahirapan silang apulahin ang apoy.

Inaasahang darating si Pangulong Rodrigo Duterte para kumustahin ang mga biktima ng sunog noong Linggo sa Barangay Labuan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.