P25-milyong ayuda ibinigay sa mga magsasaka, mangingisda sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 09:19 PM


MAYNILA - Binigyan ng P25-milyong ayuda ng Department of Agriculture nitong Huwebes ang mga magsasaka at mangingisdang napinsala ng bagyong Josie.

Ito ay matapos bisitahin ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang probinsiya. Ibinigay ang nasabing tulong sa kooperatiba ng mga magsasaka.

Ayon sa kalihim, P20 milyon ay ilalaan sa pagbili ng mga bagong binhi at mga gamit para sa pagsasaka. 

Ang natitirang P5 milyon naman ay ilalaan bilang pondo na maaaring ipautang sa mga magsasaka at mangingisdang nasalanta ng bagyo.

Sa tala ng Provincial Agriculture Office ng Bataan, umabot sa P177 milyon ang pinsalang idinulot ng bagyo at mga pag-ulan dulot ng pinalakas ng habagat.

Matindi umano ang pinsala ng bagyo sa mga palayan at palaisdaan sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Abucay, Pilar, Orion, at Balanga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.