P200,000 halaga ng droga nasabat sa Silay City

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 05:51 PM

SILAY CITY - Muling naaresto ang isang lalaki matapos makuhanan ng aabot sa P200,000 halaga ng ilegal na droga sa Barangay Rizal sa siyudad na ito Miyerkoles ng hapon.

Inaresto ng awtoridad si Alyas Edward matapos umano mabilhan ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation.

Kakapiyansa pa lamang ng suspek sa kasong possession of illegal drugs.

P300 halaga ng shabu ang nabili mula kay "Edward" pero ayon sa pulisya, nakuha rin mula sa kanya ang 17 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Tinatayang nasa P200,000 ang kabuuang halaga ng ilegal na droga.

Ayon kay Supt. Noel Polines, hepe ng Silay City Police, nasa target list nila ang suspek.

Arestado rin sa operasyon ang pinaniniwalaang runner ni "Edward."

Dagdag pa ni Polines, isinagawa ang operasyon sa tulong ng impormasyon mula sa mga residente.

Haharap sa kasong selling of illegal drugs at possession of illegal drugs ang dalawang arestado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.