Lalaki, binugbog at ninakawan ng mga kabataan sa Pandacan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 04:59 AM | Updated as of Jul 29 2019 12:18 PM

MAYNILA—Sugatan ang isang 18-anyos na lalaki matapos kuyugin at pagnakawan ng isang grupo ng mga kabataan sa Pandacan, Maynila.

Pauwi na sana si alyas Michael nang mapagtripan umano siya ng mga lalaki.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa kuha ng CCTV, hinabol siya at pinagbubugbog hanggang matumba.

Kita rin kung paano tadyakan ng isa sa mga suspek ang kaniyang ulo.

Kinuha pa umano ng mga kawatan ang kaniyang cellphone at wallet na may lamang P6,000.

Agad dumulog sa barangay ang biktima.

Sa tulong ng mga pedicab driver, naaresto ang 2 sa mga suspek at nahuli ang 2 iba pa sa mga follow-up operation.

Nakakulong na ang 4 na suspek sa Pandacan Police Station.

Kinasuhan na sila ng robbery with physical injuries.

Hindi pa nababawi sa mga suspek ang cellphone at wallet ng biktima.

Hinahanap pa ng mga pulis ang iba pang lalaking sangkot sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.