Bahay ni Gerald Anderson, nilooban

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 04:10 AM | Updated as of Oct 22 2019 07:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Arestado ang isang lalaki na ninakawan umano ang bahay ng aktor na si Gerald Anderson.

Nakuha umano sa suspek ang sapatos ni Anderson at mga T-shirt ng staff nito.

Ayon sa personal assistant ni Anderson na si Jalil Laidan, nakita nila ang suspek sa tabi ng sasakyan ng aktor.

Nang sitahin nila ito, agad itong tumakbo palayo. Hinabol nila ang lalaki at sa kinalaunan ay nahuli.

Ayon kay Erwin Ebora, drayber ng kapitbahay ni Anderson, nakita niya ang suspek na pumasok sa loob ng bahay ng aktor at nakita ring lumabas.

Itinanggi naman ito ng suspek nang dalhin sa Batasan Police Station.

Napag-alaman na anak ng dating katiwala ni Anderson ang suspek. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.