Away sa droga? Magkasintahan binaril sa ulo sa Cebu

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 11:51 AM

LILOAN, Cebu - Bangkay na nang matagpuan ng mga awtoridad ang magkasintahan sa Barangay San Roque nitong Martes.

Kapwa may tama ng bala sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan si Stephen del Corro at ang kanyang 16-taong-gulang na nobya.

"Sa babae may signs na malapitan binaril," sabi ni Dr. Benjamin Lara, medico legal officer ng pulisya sa rehiyon.

Mismong mga kasamahan nila sa fraternity na AKRHO ang kumilala sa magkasintahan. 

Ayon sa isang miyembro ng grupo, binalaan na nila ang babae na huwag sumama sa lalaki dahil sangkot umano ito sa ilegal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.