2 'tulak' ng droga, timbog sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 08:42 PM | Updated as of Jul 07 2019 03:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto ng pulisya noong gabi ng Miyerkoles ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa lungsod ng General Trias, Cavite.

Sa bisa ng search warrants, hinalughog ng mga operatiba ng General Trias police ang mga bahay nina Renato Manguerra sa Barangay Pinagtipunan at Rigor Mogul sa Barangay Corregidor, kung saan nakuha ang ilang sachet ng droga at drug paraphernalia.

Ayon kay Superintendent Paul Bometivo, hepe ng General Trias police, kabilang ang dalawa sa "street-level target drug personalities."

Inamin ni Manguerra na gumagamit siya ng droga at ginagawa rin niyang drug den ang kaniyang bahay.

Itinanggi naman ni Mogul ang paratang na tulak pero umamin ding gumagamit ng droga.

Kinasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.