1 patay, 5 sugatan sa salpukan ng 2 van sa CamSur

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2018 04:32 PM

NABUA, Camarines Sur - Isa ang patay habang lima ang sugatan sa salpukan ng dalawang van sa bahagi ng Barangay Santiago Old sa bayang ito, Miyerkoles ng gabi.

Sa tindi ng pagkakabangga, nagkayupi-yupi ang unahan ng dalawang van.

Nadamay din sa salpukan ang isang motorsiklo nang mahagip ng umiikot na van.

Dead on arrival sa ospital ang isa sa mga drayber na si Ernesto Talagtag, 57, habang ginagamot naman ang iba pang sugatan.

Ayon sa awtoridad, kita sa CCTV na dumaan sa kalsada ang isa sa mga van na nasa kanang bahagi ng kalye pero unti-unting kumaliwa bago nangyari ang aksidente.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.