Lalaki, arestado sa droga, pananakit sa Makati City

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2017 04:03 AM

Isang lalaki ang arestado matapos mahulihan ng iligal na droga sa A. Mabini Street, Barangay Poblacion, Makati City.

Ang suspek ay kinilalang si Kevin Pastor Olaes, 26 anyos.

Ayon sa report ng Makati PNP, nagpapatrolya ang kanilang tauhan sa nasabing lugar nang makita nila ang suspek na sinasaktan, minumura, at pinagbabantaan na papatayin ang kinakasama.

Pinigilan ng mga pulis ang suspek ngunit nakipagtalo pa ito at nang kapkapan ay nahulihan ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang suspek sa iba't-ibang kaso. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.