Barker, arestado sa droga sa Pasay City

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2017 06:12 AM

Isang barker na hinihinalang tulak ang arestado sa Barangay 46, Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Joel Antang, 36 anyos.

Ayon sa punong barangay na si Nestor Advincula, kakaiba ang naging kilos ng suspek nang dumaan ito sa tapat ng barangay hall sa nasabing lugar.

Pinasundan niya ang suspek sa bahay nito, nang mahuli at dalhin sa barangay hall, inilabas nito ang isang aluminum foil at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Narekober din mula sa suspek ang isang upos ng sigarilyo, kung kaya naman haharap din ito sa kasong paglabag sa nationwide smoking ban.

Sumuko na noong taong 2016 ang suspek dahil sa iligal na droga, pero ipinatawag muli ito nung nakaraang linggo sa presinto dahil nabalitaan umano na nagbebenta ito ng iligal na droga sa mga taxi drivers na malapit sa lugar. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.