1 trak, bumangga sa concrete barrier sa QC

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 26 2017 08:18 AM

Bumangga ang isang trak sa concrete barrier sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Tatlong linya ang sinakop ng aksidente na nasa tapat ng Diliman Preparatory School.

Ang trak na may conduction sticker na ZF 7224 ay pagmamayari ng Straight Ahead Delivery Corporation.

Ayon sa drayber ng trak na ayaw magpakilala, galing siya sa pier at hindi umano nito nakita ang concrete barrier dahil sa malakas na ulan.

Hindi pa matanggal ang trak sa lugar dahil may pumailalim na concrete barrier dito.

Wala ding pulis o traffic enforcer na nag mamando sa trapiko sa lugar.

- Umagang Kay Ganda, ika-26 ng Hulyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.