PatrolPH

Teenager patay sa motorcycle accident sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2021 12:21 PM

Patay ang isang binatilyo matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa Roxas City, Capiz, gabi ng Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si alyas "Bonbon," 17, at nakatira sa Barangay Dayao kung saan din nangyari ang aksidente.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagkarerahan ng motorsiklo ang biktima at mga kaibigan pero nawalan ng kontrol ang biktima.

Nahulog pa ang biktima sa kanal sa gilid ng kalsada.

Agad dinala sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.