PatrolPH

Dump truck nawalan ng kontrol sa Biliran; 4 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2021 02:18 PM

Dump truck nawalan ng kontrol sa Biliran; 4 sugatan 1
Retrato mula kay John Cristian Cabuquin

Apat na tao ang nasugatan nitong Sabado matapos sumalpok ang isang dump truck sa isang bahay at mga motorsiklo sa Almeria, Biliran.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Almeria poice, pababa sana ng barangay proper ang truck nang mawalan ng preno ang driver kaya sumalpok sa 2 nakaparadang motorsiklo at bahay sa Barangay Caucab.

Nasugatan ang 3 pahinante at truck driver, na agad tinulungan ng mga residente at isinugod sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.