PatrolPH

3 mangingisda nasagip sa lumubog na bangka sa Cavite

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2021 02:43 PM | Updated as of Jul 25 2021 05:35 PM

MAYNILA (UPDATE) - Nasagip ang 3 mangingisda matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Ternate, Cavite nitong Linggo.

Naiulat ang paglubog ng bangka bandang alas-10 ng umaga, ayon kay Jun Caisip ng Ternate Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Muling nagpaalala ang Philippine Coast Guard na bawal muna ang pamamalakaya o pangingisda sa mga lugar na apektado ng masamang panahon.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PCG sa mga lokal na pamahalaan para mabigyan ng ayuda ang mga mangingisda para hindi mapilitang pumalaot ngayong tigil muna ang kanilang kabuhayan.

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.