Dating pulis patay sa pananambang sa Tacloban City

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2020 10:44 AM | Updated as of Jul 25 2020 04:48 PM

Katatapos lamang mag-jogging ng biktima nang barilin ito sa tapat ng isang tindahan sa Abucay, Tacloban City. Contributed photo

TACLOBAN CITY (UPDATED) - Patay ang isang dating pulis matapos barilin Sabado ng umaga sa National Highway sa Abucay sa nasabing lungsod. 

Ayon kay Captan Daniel Polo, hepe ng Station 2 ng Tacloban CIty Police, nakilala ang biktima na si Francisco Homeres Jr. Natanggal sa serbisyo ang biktima taong 2015 at huling naging assignment nito ay sa syudad ng Tacloban. 

Kuwento ng ilang residente, katatapos lang mag-jogging ng biktima at bumibili ng pagkain sa tindahan nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin. 

Ayon sa ilang mga saksi, sakay umano ng itim na SUV ang bumaril sa biktima. 

Nakuha mula sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng kalibre .45 at M16. 

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation ng Tacloban City Police Office para mahuli ang salarin at malaman din ang motibo sa pamamaril.