PatrolPH

Negros Occidental at Bacolod City, nagtala ng 60 bagong kaso ng COVID-19

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2020 01:01 AM

Nasa 35 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Negros Occidental habang 25 na bagong pasyente ng naturang sakit ang naitala sa Bacolod City nitong Biyernes.

Lahat ng nagpositibo sa Negros Occidental ay nasa quarantine centers na ng kanilang mga local government units.

Sa Bacolod, 6 sa mga bagong kaso ay naka-home quarantine habang dalawa ang na-admit sa hospital.

Ang ibang nag-positive ay nasa quarantine facility ng lungsod.

Ayon sa pinakahuling bulletin ng Department of Health-Western Visayas, dalawang 5-anyos na mga bata mula sa Cadiz at Victorias ang gumaling na sa naturang sakit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.