2 sugatang dolphin nasagip sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2020 03:38 AM

Dalawang dolphin ang nasagip matapos silang madiskubre malapit sa baybayin ng Barangay Botaera, sa Zumarraga, Samar nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa residenteng si Pedgie Rojo Hernando, posibleng naabutan ng mga ito ang low tide kaya nahirapan na itong makalangoy papunta sa malalim na bahagi ng dagat.

Napag-alaman din na may sugat ang mga ito.

Makikita rin sa video na kuha ni Hernando na inaalalayan ng ilang residente ang dalawang dolphin.

 

Agad naman itong ipinagbigay-alam sa mga kinauukulan at pagdating ng hapon ay pinakawalan ito para makalangoy papunta sa malalim na bahagi ng dagat.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ukol dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.