2 hinihinalang holdaper patay sa engkwentro sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2020 05:17 AM

MAYNILA - Patay ang dalawang hinihinalang holdaper matapos silang makipagpalitan ng putok sa pulisya sa Barangay Payatas, Quezon City nitong Biyernes.

Ayon kay Police Lt. Col. Romulus Gadaoni, hepe ng QCPD station 6, nakatanggap ang kanilang istasyon ng sumbong ng panghoholdap sa isang kainan sa Brgy. Bagong Silangan.

Agad na nirespondehan ng mga pulis ang sumbong at naabutan ang mga suspek na nakasakay sa mga motorsiklo.

Nilapitan ng mga pulis ang mga suspek pero agad itong bumunot ng baril at kumaripas ng takbo gamit ang motorsiklo. 

Hinabol ng mga pulis ang mga tumakas na suspek hanggang sa nakorner nila ang dalawa sa mga ito sa Lower Molave St.

Wala pang nakuhang pagkakakilanlan ang mga napatay na suspek.
 
Isang kalibre .45 na baril, isang improvised shotgun, isang motorsiklo at mga gamit ng mga naholdap ng mga suspek ang narekober ng mga awtoridad.--Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.