Suspek sa pagnanakaw ng mga bisikleta sa Antipolo, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 05:39 AM | Updated as of Jul 25 2019 06:41 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Naaresto ng mga pulis Miyerkoles ang suspek sa pagnanakaw ng mga bisikleta sa Antipolo City, Rizal.

Ayon kay Police Lt. Col. Alvin Consolacion, hepe ng Antipolo City police, nahuli nila ang suspek sa buy-bust operation.

"Nareport na sa atin na involve siya sa ibang petty crimes, illegal drugs. Kung wala siyang pera, pati solvent ginagamit niya," aniya.

Nagnanakaw umano ang suspek para may pambili ng droga.

Nakuhanan sa closed-circuit television (CCTV) camera ang suspek sa tangkang pagnakaw ng bisikleta sa isang subdivision sa Antipolo City.

Nagpakilalang menor de edad ang suspek kaya't dinala muna siya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Isasailalim siya sa dental examination para malaman ang kaniyang tunay na edad.—Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.