PANOORIN: 3 kawatan nagnakaw ng mga cellphone, mga sinampay sa Davao

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 10:03 AM

DAVAO CITY - Tatlong lalaki ang patuloy na tinutugis ng mga pulis matapos nakawan ang isang boarding house dito sa lungsod kamakailan, sabi ng mga awtoridad Huwebes.

 

Video courtesy: Jojo Orayle

Base sa kuha ng CCTV, ang mga salarin ay pumasok sa ikalawang palapag ng boarding house sa Barangay Paciano Bangoy.

Ayon sa may-ari ng boarding house, mahimbing ang kanilang pagkakatulog nang pumasok ang mga kawatan.

Nakuha ng mga magnanakaw ang 2 cellphone, laptop at maging ang ilang sinampay ng mga boarder, sabi ni Police Lt. Jeffry Bangcas ng Santa Ana Police.

Ayon sa mga awtoridad, nakilala na nila ang mga kawatan.

"'Di ko madivulge ang mga name nila para 'di macompromise ang operation natin," ani Bangcas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.