Lalaki patay sa pamamaril sa Lapu Lapu City

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 09:39 AM

LAPU LAPU CITY, Cebu - Patay ang isang dating kawani ng Lapu Lapu City Legal Office matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa lungsod na ito, Miyerkoles ng gabi.

Dead on the spot ang biktimang si Ryan Ponce, 36, na bumili lang umano ng load nang pagbabarilin ng isang naka-motorsiklong lalaki.

Nagtamo ng 1 tama ng bala sa ulo ang biktima na kaniyang ikinamatay.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.

--Ulat ni Donna Lavares, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.