Indian national, sugatan sa pamamaril

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 12:53 PM

Sakay ng pulang kotse ang mga biktima nang tambangan. Patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang Indian national. Larawan mula kay Koki Rosales

SAN FERNANDO, Camarines Sur – Pinagbabaril ang isang Indian national na maniningil sana ng pautang sa Barangay Pamukid, Huwebes ng umaga.

Patuloy na inoobserbahan sa ospital si Gagandeep Sidhu, 36 anyos. Nakaligtas naman ang kasama niya sa sasakyan na si Jeremy Morado.

Ayon sa pulisya, nasa driver's seat si Sidhu nang mapansin nilang may sumusunod sa kanilang 2 lalaking nakasakay sa isang motorsiklo.

Maya-maya pa nakarinig na lang si Morado ng sunod-sunod na putok ng baril at nakitang sugatan na ang dayuhan.

Apat na basyo ng bala ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.