Higit 50 bahay na itinayo sa lupa ng pamahalaan ipinagiba sa Davao

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 05:07 PM

DAVAO CITY - Ipinagiba ng lokal na pamahalaan, Huwebes, ang higit sa 50 bahay na ilegal na itinayo sa lupa ng gobyerno dito sa lungsod.

Aminado ang mga residente ng Barangay Matina Aplaya na matagal na silang nakatanggap ng abiso na paaalisin na sila sa lugar pero hindi raw nila ito nagawa kaagad dahil wala silang paglilipatan.

Ipinagiba ang mga bahay dahil bukod sa nakatayo sa lupa ng gobyerno, daragdagan ng tig-isang lane ang magkabilang bahagi ng kalsada, sabi ni Police Col. Alexander Tagum, hepe ng Davao City Police Office.

Bahagi ito ng traffic decongestion na kinakailangang isagawa sa lungsod, aniya.

Titibagin din ng lokal na pamahalaan ang iba pang konkretong gusali na ilegal na itinayo sa lugar, ani Tagum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.